Update muna

Okay, ano bang meron ngayon? What’s the sitch? Ahhhh…. I know! May bago akong friend na hindi ko alam na sobra ang pakakaparehas namin as in SOBRA talaga. Ang name niya ay Abby Jake Tuazon (yup, may Abby ang name niya, kasi name ng father niya Abraham). Hindi halata pero mahilig siya sa Rock Music, talagang parehas kami. Gusto naming ang Evanescence, 3 Doors Down, Creed at My Chemical Romance, pero pinakapaborito niya ay si Avril Lavigne at Simple Plan. Tapos mahilig din siya sa anime pero hindi na siya masyado nakakanood kasi may pasok na. Maharot at makulit din siya, akala mo ang tahimik pero hindi, sobra! Lastly, parehas kaming addict sa playstation at nilalaro naming ay Naruto 3 dun sa Courtside sa Entertainment Mall ng Mall of Asia (MOA). Kainis nga eh, yung favorite character niya madaya kasi may energy regeneration siya, si Hyuuga Hinata ang tinutukoy ko, tapos yung sa akin naman ay si Uchiha Itachi, well, malakas talaga si Itachi kaya lang kapag malapit ng mamatay si Hinata eh, regenerate siya ng regenerate kaya mas nauuna akong mamatay, hay, okay, lang basta malakas ang damage ni Itachi.
Ayon, tapos malapit na yung Mid term naming kaya medyo kinakabahan ako dahil sigurado ko mahirap yung mga test. Sana mataas ang maging grade ko sa Madocs kasi lahat ng parSci na andun ay nasa Honor’s List, nakakahiya naman kung ngayong taon walang parsci na nasa List kaya kailangan kong mag-aaral.

Another thing is that I can’t wait for the wrestling marathon this weekend, sa Sunday may hgh school musical ulit at sa Monday Via satellite sa mga selected SM Malls and The Great American Bash ng SmackDown (xempre, andun si Batista!).
Okay, sa mga blogistas jan, miss ko na kayo at don’t 4get to comment!!! I miss you guys!













